Criticism of Anwar govt justified, but achievements should not be denied: Mahfuz

Malaysia Kini - Nov 27, 2026

The positives include economic recovery, finance and governance reforms, says Amanah leader.

Read full article

More News

Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, inilahad ang pre-wedding vows para sa isa't isa

Nov 27, 2026

Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, inilahad ang pre-wedding vows para sa isa't isa

Napuno ng kilig ang studio at Kapuso viewers sa palitan ng pre-wedding vows nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz. Sa kanilang pagbisita sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, November 27, masayang sumalang ang newly engaged couple sa "Fast Talk challenge" ni Boy Abunda. Isa sa mga naging tanong sa kanila ay kung ano ang kanilang mensahe o pre-wedding vows para sa isa't isa. "My love, I'm not perfect, pero sa abot ng makakaya ko, ipaparamdam ko sa 'yo kung gaano kita kamahal habambuhay and I will always be loyal to you," sabi ni Rayver. Lalo pang kinilig ang viewers nang ibinahagi rin ni Julie Anne ang kanyang pangako sa fiancé. "Pangako ko na aalagaan kita sa abot ng makakaya ko. Mamahalin kita nang buong-buo at sa 'yong- sa 'yo lang ako habang buhay," aniya. READ: Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, excited sa bagong journey bilang engaged couple Sa pagbabalik-tanaw sa kanyang proposal, inamin ni Rayver na tila naramdaman na lamang niya na panahon nang mag-propose kay Julie Anne. "Hindi ko pong ma-explain, pero parang siguro sa help din ni Lord. Palagi ko pong pinagdadasal, e. 'Lord, bigyan niyo po ako ng tamang pakiramdam para malaman ko kung kailan,'" kuwento niya. Ibinahagi rin ni Rayver na una niyang planong kausapin ang mga magulang ng aktres bago ang kanilang show sa Vegas. Gayunman, mas naramdaman niyang dumating ang tamang panahon sa kanilang fifth anniversary. Samantala, inamin naman ng Asia's Limitless Star na naramdaman niyang si Rayver ang kanyang "the one" sa umpisa pa lamang ng kanilang relasyon. "Basta ang nasa loob ng isip at puso ko na alam ko na si Ray na talaga 'yung taong ibinigay ng Panginoon para sa akin. Kasi everything was just so easy. Not just between us, but like around us," aniya. "Napaka-smooth sailing ng lahat, parang wala akong problema. Kapag dumarating na issues, parang it's just noise. But like everything and everyone around us are so very supportive, so very happy," dagdag niya. Noong November 23, sinorpresa ni Rayver si Julie Anne ng isang nakakakilig na proposal sa isang restaurant sa Taguig City. Kasama rin nila sa masayang selebrasyon ang kanilang mga kaibigan at pamilya. Silipin ang sweet engagement nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz sa gallery na ito: