Napuno ng kilig ang studio at Kapuso viewers sa palitan ng pre-wedding vows nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz. Sa kanilang pagbisita sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, November 27, masayang sumalang ang newly engaged couple sa "Fast Talk challenge" ni Boy Abunda. Isa sa mga naging tanong sa kanila ay kung ano ang kanilang mensahe o pre-wedding vows para sa isa't isa. "My love, I'm not perfect, pero sa abot ng makakaya ko, ipaparamdam ko sa 'yo kung gaano kita kamahal habambuhay and I will always be loyal to you," sabi ni Rayver. Lalo pang kinilig ang viewers nang ibinahagi rin ni Julie Anne ang kanyang pangako sa fiancé. "Pangako ko na aalagaan kita sa abot ng makakaya ko. Mamahalin kita nang buong-buo at sa 'yong- sa 'yo lang ako habang buhay," aniya. READ: Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, excited sa bagong journey bilang engaged couple Sa pagbabalik-tanaw sa kanyang proposal, inamin ni Rayver na tila naramdaman na lamang niya na panahon nang mag-propose kay Julie Anne. "Hindi ko pong ma-explain, pero parang siguro sa help din ni Lord. Palagi ko pong pinagdadasal, e. 'Lord, bigyan niyo po ako ng tamang pakiramdam para malaman ko kung kailan,'" kuwento niya. Ibinahagi rin ni...
Read full article