Aired (October 3, 2026): Burong mangga at ampalaya, natikman mo na ba? Alamin kung paano ginagawa ang mga ito at kung ano ang kakaibang lasa ng mga pagkaing dumaraan sa proseso ng pagbuburo. Mula sa kusina, tutungo naman tayo sa mga lugar kung saan maaaring tumubo ang amag. Bakit ito kumakapit sa mga pader at pagkain? Maaari ba itong makasama sa kalusugan? At sa kabila nito, may mga amag din kayang may pakinabang? Panoorin ang video.
Read full article