Faith Da Silva, Ruffa Gutierrez, kumusta ang relasyon sa set ng 'Red Crown'?

GMA Network - Oct 25, 2026

Malalim ang koneksyon ng 'Red Crown' stars na sina Faith Da Silva at Ruffa Gutierrez. Bukod sa pagbibidahan nila ang iisang pelikula, may ugnayan din ang ama ng Sparkle star na si Dennis Da Silva sa beauty queen. Matatandaan na naging ka-love team ni Dennis si Ruffa sa ilang proyekto. Kalaunan, naging totohanan ang kanilang relasyon noong 1980. Ngayon magkasama sina Ruffa at Faith sa naturang pelikula, tinanong ng King of Talk na si Boy Abunda si Faith sa 'Fast Talk with Boy Abunda' nitong Biyernes, October 23: “Bakit nakaka-tense si Ruffa Gutierrez?” Pag-amin ni Faith, “Hindi ko alam kung dahil on a personal level, siyempre, merong history siya ang my dad, hindi ko alam kung dahil doon. Pero very intimidating because she's just very beautiful, she's so tall, and 'yung aura niya kasi.” Kumusta naman ang relasyon nina Faith at Ruffa, lalo na't may koneksyon sila sa iisang tao? Alamin sa gallery na ito!

Read full article

More News